Mga|Nilalaman

Friday, May 28, 2010

Bawal Basahin Ulit Ito!

Below is the list of all of my books in chronological order. Some of them are already tapos and some of them are not yet being opened (hehe):

2Do Before I Die by Michael Ogden and Chris Day-- January 2008
Stainless Longganisa by Bob Ong-- October 2008
Alamat ng Gubat by Bob Ong-- December 2008
What Color is Parachute? by Richard N. Bolles-- March 2009
Regeneration (Telling Stories from our Twenties) by Jennifer Kerlin and Amelia Borofsky-- June 2009
Kapitan Sino by Bob Ong-- June 2009
ABNKKBSNPLAko?! by Bob Ong--June 2009
Living with the End in Sight (Meditation on the Book of Revelation) by Kendell Easley-- June 2009
Hey, God! Side-splittingly Funny Letters to God by Kip Conlon-- August 2009
Chicks Dig Fries by Bob Mathews-- August 2009
Ang Paboritong Libro ni Hudas by Bob Ong--December 2009
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino by Bob Ong--December 2009
Para kay B by Ricky Lee-- December 2009
Masasarap na Lutuing Pilipino ni Aling Charing by Rosario S. Fabian-- December 2009
The Passion of the Christ by John Piper-- February 2010
The Purpose Driven Life by Rick Warren-- February 2010
Road Trip by RU dela Torre-- March 2010
MacArthur by Bob Ong-- MISSING!!

As you can noticed, marami akong pambili ng libro nung June at December 2009 marahil na rin sa meron pa akong sweldo noon at malaki-laki ang kinita ko sa 13th month pay! Favorite ko syempre ang mga Bob Ong books ko kung hindi lang hiniram ni TGP at hindi na ibinalik yung MacArthur ko.

First cookbook ko rin yung "Mga Luto ni Aling Charing" na super old school naman ang mga ulam! Wala naman kaya sa bahay kubo yung ibang gulay na pangrekados na nakasulat sa mga ingredients niya. Nagalit nga yung ate ko sa'kin kasi wala naman daw old school sa pagluluto kasi pare-pareho lang naman daw yun. Nahiya tuloy ako kasi siya yung may regalo sa'kin nun nung Christmas kasi palagi ko siyang tinetext kung wala akong alam na lutuin sa bahay.

Mahilig ako sa mga simpleng libro; yung mga madaling intindihin. Gusto rin yung mga self-help books na akala mo inperfect yung buhay mo kaya kailangan mo pa ng basis kung paano mamuhay ng maligaya! Meron din naman akong mga religious book na medyo naaalibukan lang sa bahay, medyo mahirap kasi intindihin. Latest ko ang "Purpose Driven Life" na binigay ni Rhea nung birthday ko. Sabi ko dati, one chapter per day ko babasahin yun hanggang sa naging one chapter per month na siya! Seryoso kasi masyado ang libro; walang moment para tumawa. Of course, malaman ang mga sinasabi sa libro kaya parang nahihiya akong ituloy basahin yun. Feeling ko hindi ako karapat-dapat magbasa nun. (EMO MODE ON!!)

Naniniwala ako na may dahilan kung bakit napunta sakin ang mga librong yun. Para pasayahin ako, paiyakin, pag-isipin, patulugin, paasahin at paniwalain! Tulad na rin ng mga dahilan kung bakit tayo nakakakilala ng ibang tao dito sa mundo! Para pasayahin, paiyakin, pag-isipin, patulugin, paasahin at paniwalain! Maaaring napadaan lamang siya sa buhay natin pero tiyak siya ay mag-iiwan pa rin ng marka sa'tin. Hinusgahan man kaagad natin ang kanyang pabalat, sigurado ako meron parin siyang masasabing makabuluhan. Kahit sa isang Book Sale lang natin siya nakita, o napulot lang sa daan.

Sunday, May 23, 2010

Bawal Basahin Ito!

Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. — Bob Ong

Hindi ako masyadong sure kung si Bob Ong nga ang may sabi nyan pero mukhang pwede naman na.

Hindi ko akalain na mahihilig din pala ako sa mga libro. Wag kayong OA hindi naman yung tulad ng mga Harry Potter's Series o kaya ng Da Vinci Code! Actually, makakita pa lang ako ng makakapal na libro tinatamad na akong basahin yun. Tinitingnan ko muna kung meron siyang mga picture sa loob. At kung wala, sige sa'yo na lang yung libro- matutulog na lang ako. Pero early 2009 nag-start na akong bumili ng libro- syempre yung book sale lang sa National Bookstore! Not more than P200 nga lang yata yung unang libro ko eh. As of this day, na-collect ko na mga libro ni Bob Ong na matagal ko na din naman pinangako sa sarili na bibilhin nung nagtatrabaho pa ako sa Wistron. Nabasa ko na naman yung ibang libro ni Bob Ong dati galing sa classmate ko nung college at for my own collection, binili ko pa rin sila. Addict lang!


Sorry, hindi ko pic ito. Nakuha ko lang kay Google. Thanks you Google! (i25.tinypic.com)


Badtrip nga lang kasi may humiram ng MacArthur hindi na binalik! Hanggang sa hindi ko na siya nakita at naglaho parang bula! Ayoko ko siyang pangalan pero itago na lang natin siya sa initials na "TGP".

Balak ko sanang ilagay dito lahat ng mga libro ko kaya lang lagi akong tinatamad na i-compile yung mga title ng books ko kasi lagi akong kulang sa tulog. NAMPUTYA NAMAN KASI ANG INIT NGAYON EH! DAIG PA ANG SAHARA DESSERT! (As if naman nanggaling na'ko dun?!)
"2Do List Before I Die" by Michael Ogden and Chris Day, ang first book ko. Nainspired kasi ako nung magkabonding kami ni Gladz at napagusapan ang mga seryosong plano sa buhay. Then, I dropped by sa SM Pampanga para maggala then I found this book sa Book Sale sa National Bookstore. Mura lang naman at maganda naman ang laman. Madami rin namang pictures kahit makapal yung book. Eto siya:
Wag mo na i-click, wala namang mangyayari. Bili ka na lang... (From Amazon.com)

TRIVIA:
Isa sa mga "2Do List" ko dyan ay makumpleto ang Bob Ong's Book. Sayang almost complete na kung hindi dahil lang kay TGP! Syet! Meron din akong nilagay dun "to manage my own internet cafe." Wow, "ambi" sabi nga ni Sette. Mukhang matagal pa nga yun.